Bilang ng mga kawani ng pamahalaan na naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng LRT-2, umabot sa mahigit 4,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 4,422 na mga kawani ng pamahalaan ang naserbisyuhan ng libreng sakay ng Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 2, mula September 18 hanggang 20.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.

Nasa 1,120 na mga pasahero ang nakinabang sa libreng sakay sa LRT-2 noong Lunes, habang 1,667 noong Martes; at 1,615 na mga pasahero naman nitong Miyerkules.

Ang libreng sakay ay nagsimula ng alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, handog ito ng pamunuan sa mga kawani ng pamahalaan at taon-taon na isinasagawa bilang pasasalamat at pagkilala ng LRTA sa kanilang dedikasyon, serbisyo at sakripisyo sa bayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us