Bilang ng mga lugar na mahigpit na binabantayan ng PNP na may kaugnayan sa Barangay at SK Elections, umakyat pa sa 8

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga lugar na mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, batay sa kanilang pinakahuling datos, mula sa pitong itinuturing na Election Related Incidents ay nadagdagan pa ito ng isa, kaya’t umakyat na ito sa walo.

Nagmula aniya ito sa apat na rehiyon sa bansa gaya ng Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at SOCCSKSARGEN kung saan, dalawa rito ay insidente ng pamamaril, isa pananaksak, at isa pagbabanta o grave threat.

Kabilang na aniya rito ang insidete ng pamamaril sa isang kandidato sa pagka-Kapitan sa isang Barangay sa Libon, Albay matapos maghain ng kandidatura.

Gayundin ang insidente naman ng walang habas ding pagpapaulan ng bala sa Malabag, Lanao del Sur na nangyari rin sa kasagsagan ng paghahain ng kandidatura. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us