Umabot na sa 26,347,073 ang bilang ng mga
mag-aaral ang nag nagparehistro para sa School Year 2023-2024.
Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS), pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,887,686, sinusundan ng Region III (2,882,614) at NCR (2,716,837). Habang ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala ng 288,012.
Ayon sa DEPED, nagsimula narin na i-convene ang parent teachers association ng bawat paaralan.
Kabilang sa tinalakay ang ilang mga nakikitang mga problema at mungkahing solusyon sa paaralan, kabilang ang usapin ng school supplies, kakulangan ng classrooms at bilang ng mga guro.| ulat ni Rey Ferrer