Tumaas pa ang bilang ng mga estudyanteng nag-enroll para sa School Year 2023-2024.
Ayon sa Department of Education (DepEd), umabot na sa 25.6 milyon ang kabuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang kaninang alas-9 ng umaga.
Pinakamarami ang nag-enroll sa Region IV-A na umabot na sa 3.7 milyon, sinundan naman ito ng Region 3 na may 2.8 milyon, at National Capital Region na may 2.6 milyon.
Habang ang Alternative Learning System (ALS) naman ay mahigit 250,000 ang nag-enroll.
Maaari naman mag-enroll ang mga mag-aaral ng ALS sa mga barangay, community learning center, at sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.
Matatandaan namang umabot sa mahigit 28 milyon ang bilang ng mga nag-enroll noong nakaraang taon para sa School Year 2022-2023. | ulat ni Diane Lear