Bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2023-2024, umabot na sa mahigit 25 milyon – DepEd  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2023-2024.

Ayon sa Department of Education (DepEd), umabot na sa 25.063 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang ngayong September 1.

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,704,053; sinundan ito ng Region III na may 2,782,609 enrollees; at National Capital Region (NCR) na 2,610,571. Habang ang Alternative Learning System (ALS) ay nakapagtala ng 228,169.

Ayon kay Education Spokesperson Undersecretary Michael Poa, maaari pang madagdagan hanggang sa susunod na dalawang linggo ang nasabing bilang dahil sa mga late enrollee.

Ani Poa, mayroon din kasing mga klase ang suspendido ngayong araw dahil na rin sa bagyong Hanna at mga pagbaha.

Samantala, maaari ring mag-enroll ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System sa mga barangay, community learning center, at sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us