Bilang ng mga nag-enroll para sa SY 2023-2024, pumalo na sa halos 27 milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin sa pagtanggap ng mga late enrollee ang Department of Education o DepEd kahit mahigit dalawang linggo na buhat nang magbukas ang klase.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Education o DepEd Learner Information System Quick Count as of September 12, umakyat na sa 26.8 o halos 27 milyon na ang bilang ng enrollees.

Aminado ang DepEd na bagaman nadagdagan ang bilang ng mga nagnais pang humabol sa pasukan ay mababa pa rin ito sa 28 million target enrollees.

Samantala, sinabi naman ng DepEd na patuloy nilang tinututukan ang takbo ng late enrollment.

Kasama sa mga nakikitang dahilan ng DepEd sa mababang bilang ng mga nag-enroll ay ang mga bagyo at malakas na ulan na naranasan sa ibang mga lugar sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us