Bilang ng mga pamilyang apektado ng habagat na pinalakas ng magkasunod na bagyong Goring at Hanna, umakyat sa 176,000 — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng pananalasa ng Habagat na pinaigting ng magkasunod na Bagyong Goring at Hanna.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sumampa na sa 176,286 ang bilang ng mga apektadong pamilya o katumbas ng 646,678 na indibidwal.

Mula ito sa 2,041 na barangay na sakop ng 10 rehiyon sa bansa.

Nasa higit 700 pamilya rin o 2,765 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng ayuda ng DSWD sa mga apektadong LGU kabilang ang pamamahagi ng family food packs.

Katunayan, mayroon nang higit sa ₱38-milyong relief assistance ang naipamahagi ng ahensya.

Una na ring nagpadala ang DSWD ng higit ₱5-milyong halaga ng tulong sa mga naapektuhang ng kalamidad sa Ilocos Region.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us