Biyahe ng PNR mula San Pablo patungong Calamba, suspendido muna simula mamayang gabi – DOTr  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabiso ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na suspendido muna ang kanilang biyahe mula sa San Pablo hanggang Calamba at pabalik.

Batay sa impormasyong ipinarating ng Department of Transportation (DOTr), magsisimulang tumigil ang biyahe ng PNR mamayang ala-6:30 ng gabi mula Calamba hanggang San Pablo.

Gayundin ang nakatakdang biyahe mula San Pablo hanggang Calamba bukas, Setyembre 8 ay suspendido rin.

Ayon sa DOTr, layon nito na bigyang daan ang gagawing maintenance activity sa naturang linya para na rin matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us