BOC, nangakong sugpuin ang agricultural smuggling sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Bureau of Customs (BOC) na pipigilan at sugpuin ang talamak na agricultural smuggling sa bansa kasunod ng pagkahuli ng P42-million halaga ng imported rice sa Zamboanga City.

Ito’y bunsod na rin sa mahigpit kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipatupad nang husto ang mga batas laban sa rice smuggling o iligal na importasyon ng bigas, partikular sa kanlurang Mindanao.

Inihayag ni Vincent Philip Maronilla, tagapagsalita ng BOC, inilabas nila ang order for seizure sa mga imported rice na nakatago sa isang warehouse sa Barangay San Jose Gusu sa Zamboanga City matapos mabigo ang may-ari nito magsumite ng kaukulang mga dokumento sa halos 43-K sako ng bigas, kabilang na ang patunay ng legal importation at pagbabayad ng tamang duties and taxes sa ahensya.

Ang naturang mga bigas ay ibinigay ng pamahalaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at personal na ipinamamahagi ni Pangulong Marcos Jr. noong Martes sa piling mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay, sa munisipyo ng Sibuco sa Zamboanga del Norte, at sa Zamboanga City. | ulat ni Celestino Escuadro | RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us