BRP Ivatan, dumating sa Tawi-Tawi hatid ang tulong sa mga biktima ng sunog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarating na sa Tawi-Tawi ang BRP Ivatan (LC298) dala ang mga relief supply para sa mga biktima ng malaking sunog sa Bonggao na naganap noong Setyembre 7.

Ang humanitarian mission na isinagawa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at organisasayon ay naghatid ng 48.2 tonelada ng relief supplies para sa 670 pamilya na apektado ng sunog.

Ito ay kinabibilangan ng 1,250 sleeping kits, 250 dignity kits, 1,250 hygiene kits, 4,636 food packs, 1,000 family kits, 150 modular tents, 1,000 kahon ng ng non-food items, 129 na kahon ng gamot, 50 plastic tables, 5 kahon ng damit, at 4 na sako ng assorted goods.

Ang relief supplies ay mula sa Ministry of Social Services and Development – BARMM (MSSD-BARMM), Department of Social Welfare and Development – Field Office IX (DSWWD-IX), at Civil Defense Regional Office-BARMM.

Tumulong naman sa pagdiskarga ang mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-1, Marine Battalion Landing Team-12, Navy reservists ng 2nd Marine Brigade, Philippine Coast Guard Bongao, Maritime Police ng Bongao, Tawi-Tawi, at mga tauhan ng local government units. | ulat ni Leo Sarne

📷: NFWM PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us