BSP, nakahanda sa mataas na inflation rate at kumpiyansang bababa ito sa 4th quarter ng 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magkaroon ng adjustment sa ‘monetary stance’ nito.

Ayon sa BSP, ito ay para maiwasan ang patuloy na paglobo ng mga presyo.

Pero sa kabila naman nito ay umaasa ang Bangko Sentral ng Pilipinas na muling bababa ang inflation rate ng bansa sa last quarter ng taon.

Ayon sa BSP, bagamat pasok sa target nila ang 5.3% inflation rate ng August, ay inaasahan nilang magiging mas mababa ito sa 4%.

Paliwanag ng BSP na ang nanatiling pangunahing dahilan ng 5.3% inflation rate ay ang mataas na presyo ng langis at agri-products. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us