Sa kanilang layunin na makatulong sa food security program ng bansa nais ng Bureau of Corrections (BuCor) na magkaroon ng Food Terminal Hub para makatulong sa food supply at food sufficiency ng BuCor.
Tatawagin ang kanilang food terminal hub na Pambansang Bagsakan ng Bigas para sa Mamamayan.
Ayon kay Bureau of Corrections Chief Gregorio Pio Catapang Jr., ito’y upang makatulong sa pagsusuplay ng mga pangunahing gulay at bigas patikular sa southern portion ng Metro Manila at maging ang mga karatig probinsya na malapit sa BuCor.
Dagdag pa ni Catapang na inaasahan itong maumpisahan sa lalong madaling panahon dahil ito’y regalo ng BuCor sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ngayon ay patuloy pa ring bukas ang Kadiwa pop-up store na nagtitinda ng mga gulay, karneng baboy, manok, at isda upang maghatid ng murang presyo sa mga residente sa New Bilibid Prisons. | ulat ni AJ Ignacio