Tampok ngayon sa Kamara ang Built Better More Flagship Program and Projects na ipinatutupad ngayon ng Administrasyong Marcos Jr. upang mas ma-appreciate ng mga mambabatas ang infrastructure development programs ng gobyerno.
Ang photo exhibit ay nasa South Wing Lobby ng House of Representatives.
Ayon kay Committee on Flagship Programs and Projects Chairman at Davao Occidentel Rep. Claude Bautista, ang mga nakalinyang programa sa ilalim ng BBM ay magdadala ng mas pinagandang buhay ng ordinaryong Pilipino.
Ayon naman kay Committee on Public Works and Highways Chairman Rep. Romeo Momo ng 1st District, Surigao del Sur, may pag-aaral na inilabas na ang bawat 100 million worth of investment sa construction ay nagbubukas ng 230,000 trabaho at P47-milyong dagdag na household income.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Congressman Momo at Bautista, ang 30-year national infrastructure program ay tututok sa sektor ng transportasyon, logistics, enerhiya, water resource, ICT, social infrastructure, agri-fisheries modernization at food logistics. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes