Patuloy na nagbubuga ng mataas na antas ng asupre ang Bulkang Taal.
Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), as of September 22, aabot sa 4,569 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang inilabas ng Bulkang Taal.
Nananatili rin ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake at mayroon pa ring banta ng volcanic smog o vog na binubuo ng mga droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at puwedeng magdulot ng irritation sa mata, lalamunan, at respiratory tract.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan rin ang malakas na pagsingaw sa bulkan na may 2,400 metrong taas at napadpad sa kanluran-timog-kanluran at timog-kanluran.
Samantala, mayroon ding naitalang limang volcanic tremor sa bulkan.
Nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa