Bulkang Taal, nagdudulot pa rin ng volcanic smog o vog -Phivolcs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakitaan pa rin ng volcanic smog o vog ang bulkang Taal sa Batangas.

Batay ito sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ngayong umaga.

Pero kumpara sa inilabas na 4,600 na tonelada ng sulfur dioxide ng bulkang Taal noong Setyembre 21, bumaba na sa 2,730 tonelada ang ibinuga nito kahapon.

Ayon sa Phivolcs, nananatili pa rin ang upwelling ng hot volcanic fluids sa main crater na lumikha ng plumes na abot sa 1,800 meters ang taas.

Napadpad ito sa Hilagang-Silangang bahagi ng bulkan.

Sa nakalipas na 24 oras, walang naitalang volcanic earthquake sa bulkan.

Paalala ng Phivolcs, nananatili pa ring nasa alert level 1 ang estado ng bulkan at hindi isinasantabi ang magkaroon ng steam driven o phreatic o gas drive explosions. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us