Burol para sa beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez, bubuksan sa publiko sa Sabado, Sep. 2

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang buksan sa publiko sa Sabado, September 2, ang burol para sa yumaong radio-TV anchor na si Mike Enriquez.

Ito ang inanunsyo ng mother station ni Enriquez na GMA Network Incorporated sa kapahintulutan na rin ng naulilang pamilya nito.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Mike Enriquez sa Christ the King Parish, Greenmeadows sa Quezon City.

Magsisimula ang public viewing simula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon lamang.

Kasunod nito, umapela ang pamilya Enriquez sa mga nagnanais magpaabot ng kanilang pakikiramay na sa halip na bulaklak ay mangyaring mag-donate na lamang sa GMA Kapuso Foundation.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Mike Enriquez sa Linggo, September 3 sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us