Kinilala ng isang business executive mula Middle East ang malaking oportunidad sa Pilipinas, dahil sa taglay nitong investment landscape at strong economic growth.
Ayon kay Elyas Algaseer, Chief Executive Officer ng GCIB MENA at Co-Head ng Dubai MUFG Bank, malawak ang investment opportunities at ang business environment sa Pilipinas.
Pinuri ni Algazeer ang six-year development plan, sound credit profile, at robust external account ng bansa.
Ipinaabot din nito ang pasasalamat sa economic team, sa contribution ng mga Pinoy sa Dubai na siyang nagtatag ng kanilang imprastraktura at paglago sa rehiyon.
Mahigit 80 senior executives ng UAE-based funds and corporates, business group representatives, industry associations, financial community, at public sector ang dumalo sa kauna-unahang economic briefing sa Dubai.
Isang pagkakataon na ibinihagi ng economic team ang investment opportunities sa UAE investors.
Ito ay inorganisa ng BSP Investor Relations Group (IRG), Department of Finance (DOF) kapartner ang Citi, Deutsche Bank, Dubai Islamic Bank, Embassy of the Republic of the Philippines-United Arab Emirates, Goldman Sachs, HSBC, MUFG Bank, Philippine Trade and Investment Center-Dubai, at Standard Chartered. | ulat ni Melany Valdoz Reyes