Caloocan LGU, may alok na libreng cervical cancer screening sa mga kababaihan ngayong buwan Setyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ng libreng cervical cancer screening at detection tests ang lahat ng city health centers ng Caloocan City Health Department sa buong buwan ng Setyembre.

Ang alok na ito ng City government ay itinaon sa pagsisimula ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong buwan.

Hinikayat ni City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang mga kababaihan na samantalahin ang libreng pagsusuri na iniaalok ng lungsod.

Aniya, mas mabuting magkaroon ng maagang pagsusuri sa halip na labanan ang sakit sa mga huling yugto nito.

Kinilala rin ng alkalde ang kahalagahan ng mga programang may kinalaman sa kalusugan upang higit na bigyang kapangyarihan ang kababaihan at palakasin ang mga pagsisikap sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ng lungsod.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us