Caloocan LGU, regular na mag-iinspeksyon sa mga pamilihan habang epektibo ang rice price cap

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Caloocan LGU ang regular na pag-iikot nito sa mga palengke sa lungsod para tiyaking nakakasunod ang mga retailer sa EO-39 o ang mandated price ceiling sa regular at well-milled rice.

Nitong Miyerkules, pinangunahan mismo ni Caloocan City Mayor Along Malapitan ang pagiinpeksyon sa ilang pamilihan kabilang ang Poblacion Public Market.

Dito, siniguro ng alkalde na hangga’t epektibo ang EO-39, ay magtutuloy-tuloy rin ang monitoring sa lungsod upang masiguro na lahat ng mga pamilihan ay sumusunod sa mga nakatakdang presyo.

Kaugnay nito, sinabi rin ng alkalde na may tulong na ilalaan ang pamahalaang lungsod para sa mga maliliit na retailer na apektado ng EO-39.

“Batid po natin na malaki ang magiging epekto ng MPC sa ating mga mamamayan, kaya asahan po ninyo na nakahanda ang pamahalaang lungsod na umalalay at magbigay ng tulong sa mga mamimili at negosyante kung kinakailangan,” Mayor Along.

Sa huli, nanawagan si Mayor Along sa mamamayan na makipagtulungan at
i-report ang sinumang magtatakda ng presyong hindi naayon sa EO-39.

“Makakaasa po kayo na mananagot sa batas ang sinumang manlalamang sa mga mamimili lalo na sa panahon ngayon,” Mayor Malapitan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us