Caloocan, Malabon, Navotas, at ilang lugar sa QC, nagsuspinde na ng klase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga nang nagsuspinde ng klase ang ilang lungsod sa Northern Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na namang pag-ulan ngayong Lunes.

Kabilang dito ang Malabon at Caloocan LGU na nag-anunsyong walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan dahil sa habagat at bagyong Hanna.

Suspendido na rin ang pasok mula pre-school hanggang senior high school (public at private) sa Navotas City ngayong Lunes.

Samantala, may mga barangay na rin sa QC ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Kabilang dito ang:

  • Barangay Holy Spirit
    (Public Pre-school to Senior High School – Morning and Afternoon Class)
  • Barangay Bagong Silangan
    (Public Pre-school to Senior High School)
  • Barangay Payatas
    (Public Pre-school to Senior High School)
  • Barangay Greater Lagro
    (Public Pre-school to Senior High School)
  • Barangay Apolonio Samson
    (Public Pre-school to Elementary School)

Base naman sa Memorandum Circular No. 10-A series of 2022 na alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order No. 037 series of 2022, ang pagsususpinde ng mga klase para sa mga pribadong paaralan ay ipapaubaya na sa desisyon ng paaralan / pinuno ng paaralan ngunit hinihikayat na sundin ang mga pambansa o lokal na suspensyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us