Matagumpay na nagtapos ang Carabaroo 2023 Military Exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa 1st Combat Engineer Regiment Headquarters, Robertson Barracks, Darwin, Northern Territory, Australia.
138 tropa ng Philippine Army 1st Brigade Combat Team, First Scout Ranger Regiment, at Special Forces Regiment (Airborne) ang lumahok sa ehersisyo kasama ang kanilang mga Australian counterpart, at Timor Leste Army.
Dito’y nagsanay ang mga tropa sa dismounted infantry operations sa urban warfare sa loob ng nakalipas na tatlong linggo.
Sa mensahe ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido na ipinaabot ni Philippine Army contingent Exercise Director Col. Diosdado Carlos D. Pambid, kanyang sinabi na ang pagiging world-class army ay hindi nadadaan sa uniporme at mga parada, kundi sa pag-aaral, pagkabihasa, at patuloy pang pag-aaral. | ulat ni Leo Sarne
📷: Cpl. John Michael S. Manuel, 12CMOBn/Pvt. Alpha Bierneza, OACPA