Naglabas ng Traffic Advisory ang Cavite Expressway o Cavitex hinggil sa isasagawang girder launch na gagawin sa Parañaque Toll Plaza.
Nag-umpisa na ang girder launch kaninang umaga mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.
Tatagal ang naturang girder launch mula ngayong araw hanggang September 25.
Kaya naman abiso sa mga motorista na bumabagtas ng Cavitex toll road na magbaon ng mahabang pasensya sa mga nabanggit na petsa at oras.
Samantala, magpapatupad naman ng counter flow scheme ang Cavitex upang maibsan ang inaasahang bigat ng daloy ng trapiko. | ulat ni AJ Ignacio