CCC, nanawagan sa publiko na pangalagaan ang mangrove ecosystem laban sa banta ng climate change at plastic pollution

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Climate Change Commission (CCC) na pangalagaan ang mga mangrove ecosystem laban sa dual threat ng climate change at plastic pollution.

Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje, ang mga bakawan ay mga ecosystem na nagsisilbing mahahalagang carbon sink.

Nagbibigay din ito ng proteksyon sa mga komunidad sa baybayin mula sa mga storm surge, at tirahan ng iba’t ibang uri ng hayop.

Samantala, ang plastic pollution ay nagdudulot din ng banta sa mga bakawan gayundin sa mga hayop na umaasa sa mga tirahan na ito para mabuhay.

Bukod pa dito, nakompromiso din ang kakayahan nitong mag-sequester ng carbon at kumilos bilang natural na depensa sa baybayin.

Samantala, sa isinagawang coastal clean-up drive sa Tanza Marine Tree Park, Navotas City, abot sa 1,320 kilo ng waste materials ang nakuha ng mga volunteer.

Bilang paggunita sa National Clean-up Month ngayong Setyembre, hinihikayat ng CCC ang mga indibidwal at komunidad na makibahagi sa coastal clean-up para protektahan at pangalagaan hindi lamang ang mga bakawan kung hindi ang lahat ng ecosystem. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us