CDRRMC, nakaalerto sa nararanasang pagbaha sa mga low lying area sa Dagupan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaalerto pa rin ang tanggapan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa mga nararanasang pagbaha sa ilang bahagi ng Dagupan City partikular na ang mga nasa low lying area ng lungsod.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas-Dagupan kay CDRRMC Head Ronald De Guzman, sa kabila ng paglabas sa Philippine Area of Responsibility ng bagyong Goring ay mayroong pang panibagong bagyo at habagat na mahigpit nilang binabantayan dahil sa dulot nitong mga pag-ulan.

Aniya, may ilang barangay ang apektado ng pagbaha tuwing umaga partikular na ang mga malapit sa boundary ng Calasiao-Dagupan gaya ng Bacayao Area, Pogo Area, Malued, Barangay Carael, at Calmay.

Ayon kay De Guzman, liban sa mataas na tubig sa ilog ay nakakaapekto din ng pagbaha sa mga nabanggit na lugar ang mataas na tide level tuwing umaga.

Paliwanag nito, bagamat asahan ang posibleng pagbaha sa mga susunod na araw dahil sa pagiging catch basin ng Dagupan ay hindi naman ito katulad ng epekto ng nagdaang bagyong Egay.

Ayon kay De Guzman, base sa kanilang koordinasyon sa ibang MDRRMO, hindi naman nakakaaalarma ang estado ng Sinuculan River na posibleng makaapekto sa lungsod.

Sa monitoring ng CDRRMC ay walang naitalang evacuees sa lungsod sa nagdaang bagyong Goring subalit nakaalerto pa rin ang BDRRMC at mahigpit pa ring ipinatutupad ang ‘No Fishing at Swimming Policy’ sa mga coastal areas ng syudad. | ulat ni Verna Beltran | RP1 Dagupan

📸: Dagupan LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us