CG Admiral Abu, personal na sumaludo sa coast guard na nasawi sa La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na sinaluduhan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu si CG Petty Officer Third Class (PO3) Ponciano Nisperos Jr. na binawian ng buhay sa kasagsagan ng search and rescue operation sa isang ilog sa Tubao, La Union, noong Setyembre 5, 2023.

Bumisita ang Komandante sa tahanan ni CG PO3 Nisperos Jr. sa Carlatan, San Fernando City, La Union ngayong araw at kanyang ipinabatid ang pakikiramay sa naulila ng nasawing bayani.

Kinilala ni CG Admiral Abu ang kabayanihan ni CG PO3 Nisperos at pinasalamatan ang kanyang pamilya na buong pusong sumuporta sa pangarap nitong maglingkod sa bansa bilang isang Coast Guardian.

Magugunitang isa si CG PO3 Nisperos Jr. sa mga tumugon sa isang “drowning incident” sa Sitio Daeng, Halog East, Tubao, La Union sa kasagsagan ng masamang panahon noong Setyembre 5.

Gayunpaman, habang inaayos nito ang safety line ay nawalan ito ng balanse at tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog na nagresulta sa kanyang pagkasawi. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo

📷: CGDNWLZN

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us