CHED, pinasasailalim sa special audit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinatigan ng House Committee on Appropriations ang mosyon na mapasailalim sa special audit ang utang ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga pribadong paaralan.

Sa naging budget briefing ng ahensya, nagmosyon si Northern Samar Representative Paul Daza para hilingin sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit.

Bunsod ito ng magkakaibang halaga ng utang ng CHED batay sa mga iprenesenta nitong datos.

Ang pagkakautang ay sa ilalim ng programa kung saan nagbibigay ng subsidya ang CHED sa mga estudyante na nag-aaral sa mga pribadong eskuwelahan sa mga lugar kung saan walang state universities and colleges o local universities and colleges.

Sa pagdinig noong August 23 sinabi ng CHED na nasa ₱13-billion ang kanilang utang ngunit sa pagdinig nitong Martes sinabi ng ahensya na ₱7.7-billion lang pala ang utang nito.

“We’ve had I think two or three hearings on the similar issues, we’ve had two oversights, this is now the second budget hearing, to clarify this, would the CHED voluntarily submit to a COA audit along with DBM just so we can once and for all we can get the right answers to all these concerns?” tanong ni Daza.

Wala namang pagtutol si CHED Chair Prospero De Vera sa pagsasailalim sa kanila sa special audit. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us