Chimney fire, sumiklab sa isang commercial establishment sa Balintawak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang sunog ang sumiklab sa isang commercial establishment sa bahagi ng Balintawak, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-QC, tinukoy na ‘chimney fire’ ang sunog sa Puregold, Balintawak sa Brgy. Apolonio Samson, QC.

Naiakyat ang sunog sa unang alarma kaninang 7:50 am. Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP at fire volunteers sa sunog kaya agad ring nakontrol ang sunog kaninang 8:23 am.

Patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Kaugnay nito, mabigat ngayon ang daloy ng mga sasakyan sa bahagi ng EDSA Balintawak partikular na ng mga pa-sounthbound.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us