Chinese fishing vessels sa West Philippine Sea, dumarami – WESCOM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) na muli na namang dumarami ang mga Chinese fishing vessel sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea.

Base sa aerial reconnaissance ng WESCOM noong Setyembre 6 at 7, 30 Chinese vessels ang kanilang namataan.

Nasa 23 dito ay nasa Iroquois Reef, lima sa Sabina Shoal, at dalawa sa Nares Bank.

Ayon sa WESCOM, nakakabahala ang mistulang “resurgence” ng aktibidad ng China sa pinag-aagawang karagatan.

Sinabi ng WESCOM, na mayroong implikasyon sa maritime security, fisheries conservation, territorial integrity, at preservation ng marine environment ang presensya ng mga barkong pangisda ng China. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us