Maaari nang mag-aral ang mga Chinese student sa may 10 unibersidad sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera III, matapos lumagda ng kasunduan ang mga unibersidad sa ilang Chinese universities para sa Chinese students na nais mag-aral sa bansa.
Sinabi ni De Vera, ang kasunduan ay nilagdaan sa isang special session ng mga minister ng edukasyon na dumalo sa China-ASEAN Cooperation Week, na idinaos sa Guiyang Province sa China.
Sabi pa ni De Vera, maraming Chinese students ang gustong mag-aral sa bansa dahil sa de kalidad at abot-kaya ang edukasyon.
Ito ay reyalisasyon nang ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China sa unang bahagi ng taon, kung saan nabigyang tuon ang kahalagahan ng higher education.
Paglilinaw pa ng opisyal, mayroon na ring memorandum of agreement sa pagitan ng CHED at ng Ministry of China hinggil rito noong 2019, na siya aniyang ipinatutupad nila sa ngayon. | ulat ni Rey Ferrer