Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang hakbang na amyendahan ang Kasambahay Law.
Sa isang pahayag, sinabi ng Human Rights body, na ang klase ng trabaho na ginagampanan ng mga domestic worker ay naglalantad sa mga ito sa pang-aabuso o karahasan.
Naniniwala ang CHR na kailangang bigyang ngipin ang batas upang protektahan ang mga kasambahay.
Isa sa nakikitang hakbang ng CHR ay ang paglikha ng emergency hotlines sa antas ng barangay, para may matatawagan ang mga kasambahay na nanganganib ang buhay o minamaltrato ng mga amo. | ulat ni Diane Lear