COA, target tapusin ang pag-audit sa P125-M confidential fund ng OVP sa November 15

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target tapusin ng Commission on Audit ang pag-audit sa P125 milyon na confidential fund ng Office of the Vice President sa Nobyembre 15.

Ito ang sinabi ni Appropriations Senior Vice-Chair Stella Quimbo sa pagsalang sa plenaryo ng panukalang budget ng COA.

Inamin din ni Quimbo na taliwas sa naunang napaulat na nagamit ng OVP ang confidential fund nito sa loob lang ng 19 na araw — ay 11 araw ito nagamit ng tanggapan.

Ngayong umaga naman aniya ipinadala ng COA ang Audit Observation Memorandum sa OVP para linawin ang naturang paggasta.

Bukas din ani Quimbo si COA Chair Gamaliel Cordoba na magsumite ng kopya ng naturang AOM sa Speaker’s Office upang magkaroon ng access ang mga mambabatas para ito ay masilip.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit itinutulak ni Quimbo ang pagbuo ng special oversight committee para matiyak ang transparency sa paggamit ng CIF.

Bubuuin ito ng House Speaker, tatlong miyembro mula majority at isa mula sa minority na bibigyan ng access sa isinusumiteng ulat sa Kongreso patungkol sa paggamit ng CIF.

Nilinaw din ng budget sponsor na kaya natagalan ang pag-audit sa paggamit ng 2022 CIF ay dahil sa kulang ang tauhan ng ICFAU o Intelligence and Confidential Fund Auditing Unit.

Sa dapat na 27 tauhan ng ICFAU, mayroon lamang aniya silang 9 na tauhan at nanghihiram ng staff mula sa ibang unit ng COA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us