Coast Guard, humihiling ng dagdag na Intelligence Fund para sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihiling ng Philippine Coast Guard (PCG) na madagdagan ang kanilang Confidential and Intelligence Fund (CIF) ng ₱144-million para sa susunod na taon.

Sa Budget Briefing ng Senate Subcommittee on Finance para sa panukalang budget ng Department of Transportation (DOTr), kung saan attached agency ang PCG, sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na nasa ₱10-million lang ang inilalaan sa kanilang CIF mula taong 2013.

Kaya naman para sana sa susunod na taon ay nais ng PCG na madagdagan ang kanilang CIF sa gitna na rin ng kanilang mga hakbang sa West Philippine Sea.

Nagpahayag naman ng suporta si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Coast Guard na siya aniyang pinakaaktibong attached agency ng DOTr at nagbubuwis pa ng buhay para sa ating bansa.

Bukod sa CIF, humihingi rin ang PCG ng dagdag na ₱600-million pesos na pondo para sa fuel requirements at ₱563 million para sa pagsasaayos, docking, at maintenance ng mga sasakyang pandagat ng Coast Guard.

Para sa susunod na taon, nasa ₱24.019-billion pesos ang panukalang pondo para sa PCG, mas mataas kumpara sa ₱21.920-billion na alokasyong pondo nila ngayong taong 2023. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us