Sa kabila ng masamang panahon, tuloy ang paghabol ng ilang kandidato sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Amoranto Sports Complex ngayong umaga.
Matatandaang iniurong ng COMELEC hanggang ngayong September 4 ang deadline ng COC filing sa National Capital Region (NCR) dahil sa suspensyon ng trabaho noong Biyernes.
As of 9am, maliit na bilang pa ng mga kandidato ang nasa loob ng Amoranto Arena.
Inilipat na rin sa parking area ang Step 1 o holding area na dati ay nasa labas ng arena. Dito sinusuri kung kumpleto ang mga ihahaing dokumento bago dumiretso sa filing.
Sa pinakahuling datos naman ng COMELEC Quezon City, umabot sa 2,081 ang kabuuang bilang ng kandidato na naghain ng COC sa Amoranto noong September 2 na ikalimang araw ng COC filing. | ulat ni Merry Ann Bastasa