Comelec Bicol, kinumpirmang may ilang lugar sa rehiyon ang pasok sa red category, may kaugnayan sa BSK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Bicol Comelec Regional Director Atty. Jane Valeza, na may ilang lugar sa Bicol ang pasok sa red category may kaugnayan sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa lalawigan ng Albay mula tatlo hanggang apat na lugar ang kanilang tinitingnan, sa Masbate may apat rin,  at sa Camarines Norte may isa o hanggang dalawa. Paliwanag ni Valeza, ang isang lugar na nasa red category ay hindi nangangahulugan na buong munisipyo o lungsod.  Aniya maaaring sa lebel lamang ito ng barangay.

Inilarawan ni Valeza, ang lugar na pasok sa red category, may presensiya ng private armed group (PAGS), communist terrorist group at intense political rivalry.   Binigyan diin niya, ang lugar na red category ay tutukan ng pulisya at kasundaluhan.  Giit ni Valeza, dalawa sa tatlong parametrong nasabi maaari na itong irekomendang isailalim sa Comelec control.

Bagamat sa pangkalahatan, sinabi ng opisyal na karamihan sa mga lugar sa Bicol ay nasa green category. 

Nasa pagitan ito ng 70 hanggang 80% ang pasok sa green category. Ang mga lugar na nasa green category ay matahimik.  Sunod sa green ay yellow, orange at red.| ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us