Ayon kay Comelec Bicol Regional Director Atty. Jane Valeza, nakapagtala ang komisyon sa rehiyon ng 120,034 na nagsumite ng kanilang kandidatura sa darating na SK at Barangay Elections. Sa nasabing bilang may 74,055 ang lalaki at 45,979 ang babae.
Sa nasabing bilang, ang kandidato sa punong barangay may total na 8,044, sa sangguniang barangay 60,968, sa chairperson sa Sangguniang Kabataan may total na 7,818, at sa Sangguniang Kabataan may 43, 204.
Lahad pa ng opisyal, sa loob ng anim na araw na pagsumite ng kanilang certificate of candidacy o COC, pinakamarami sa unang araw o Day 1 may 30,393, Day 2 may 22,578, Day 3 may 23,448, sa Day 4 may 15,132, sa Day 5 may 16,825 at Day 6 may 11,658.
Sa mga probinsiya sa Bicol narito ang breakdown. Sa Camarines Sur may total na 37,687, Albay 25,559, Sorsogon 18,865, Masbate 17,162, Camarines Norte 11,137 at Catanduanes 9,624. | via Nancy Mediavillo | RP1 Albay