Comelec, DepEd at PAO, pumirma ng MOA para sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang Commission on Election, Department of Education at Public Attorneys Office na magtutulungan para sa isang payapa at patas na halalan ngayon Oktubre 30, 2023 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.

Ang Memorandum of Agreement ay pinirmahan nina Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio, Comelec Chairperson George Erwin Garcia at Public Attorneys Office Chief Persida Acosta sa Palacios del Gobernador sa Intramuros, Manila ngayong hapon.

Sa naturang kasunduan, pinasalamatan ni Chairperson Garcia ang DepEd sa patuloy na pagsisikap ng mga guro na maghatid ng kanilang serbisyo sa panahon ng halalan.

Hindi naiwasan ng Comelec Chair na balikan ang sakripisyo ng mga guro at kilalanin ang ambag ng mga ito na nagbuwis ng kanilang buhay sa mga nakaraang halalan.

Sa panig ng PAO, tiniyak ni Acosta na ibibigay nila ang kanilang buong pwersa para bigyan ng legal services ang sinumang guro na malalagay sa peligro sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa panahon ng halalan.

Sabi naman ni VP Sara Duterte-Carpio, handa ang mga guro na magsakripisyo para lamang masiguro ang tapat, payapa at patas na halalan ngayong Oktubre.

Pinasalamatan din ng Pangalawang Pangulo ang Comelec AT PAO dahil sa pagbibigay halaga sa sakripisyo ng mga guro at iba pang kawani ng pamahalaan tuwing halalan.

Hindi daw madali ang trabaho ng guro lalo na kung Barangay at Sangguniang Kabataan election dahil halos mga kaibigan at kapitbahay nila ang mga naglalaban-laban.

Ngunit dahil sa pagmamahal ng mga guro sa bayan, isinasakripisyo nila ang personal na interes para lamang masiguro na magiging malinis ang eleksyon. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us