Comelec, idi-disqualify ang mga pasaway na kandidato bago ang October 30 elections 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, na magdi-disqualify sila ng mga pasaway na kandidato bago ang October 30. 

Sa pulong balitaan, sinabi ni Garcia, hindi siya papayag na walang maaaksyunan sa mga show cause order na kanilang ipinadala sa mga kandidato na nagsagawa ng maagang pangangampanya. 

Kailangan daw nilang ipakita na seryoso ang Comelec sa pagpapatupad ng batas lalo na sa mga pasaway na kandidato. 

Ngayong araw lamang, umabot na sa 403 na mga kandidato ang pinasasagot ng Comelec matapos silang mahuli na nagsasagawa ng premature campaigning at vote buying. 

Karamihan sa kanila ay nagmula sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cebu, Iloilo at maraming iba pa. 

Sabi ni Garcia, nais niyang makita na bago ang araw ng eleksyon ay mayroong madi-disqualify na mga kandidato.  | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us