Comelec, kuntento sa bilang ng mga inirereklamo dahil sa vote buying kaugnay ng BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kuntento si Commission on Elections o COMELEC Chairperson George Erwin Garcia sa bilang ng mga kandidato na inirereklamo dahil sa pagbili ng boto o vote buying.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa darating na Oktubre.

Sa pagpapasinaya ng Regional Office ng COMELEC-NCR sa San Juan City, sinabi ni Garcia na maliban sa isang kumakandidato sa barangay position sa Brgy. Novaliches sa Quezon City na namahagi ng groceries ay wala pang ibang naiuulat sa kanila.

Kasunod nito, sinabi ni Garcia na nasa mahigit 700 na ang binigyan nila ng Show Cause Order upang pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat ma-disqualify sa eleksyon.

200 aniya rito ang ay pawang mga kandidato sa Metro Manila at bago ang halalan, tiniyak ni Garcia na maraming madidiskwalipika. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us