Comelec, maglalabas ng desisyon sa mga isasampang disqualification case hinggil sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng maantala ang pagtakbo ng ilang kandidato sa barangay at sangguniang kabataan elections dahil sa disqualification case.

Ayon kay Commission on Elections Chairperson George Garcia, matapos ang kanilang ipinadala na mga show cause order sa mga kandidatong na-monitor na nagsasagawa ng premature campaigning ay sasampahan na agad ito ng election offense at disqualification case.

Matapos aniya ito ay inaasahan na makakapa labas na agad ang Comelec ng desisyon hinggil sa nasabing mga kaso.

Paliwanag ng Comelec ang sagot ng mga naturang kandidato sa kanilang inilabas na show cause order ang magiging basehan sa kanilang ilalabas na desisyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us