Tuluyan nang magsasampa ng kaso ang Commission on Elections sa mga barangay at Sangguniang Kabataan election candidates matapos ma-monitor na nagsasagawa ang mga ito ng ‘premature campaigning’.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nakapagpalabas na sila ng mahigit 600 show cause order para sa mga nasabing kandidato.
Matapos aniya ito ay dideretso na sila para mag-file ng EO at disqualification cases sakaling hindi magbigay ang mga ito ng kani-kanilang paliwanag.
Matatandaan na binigyan ng Comelec ang mga kandidatong na-monitor na nagsasagawa ng premature campaigning ng tatlong araw para ipaliwanag ang kanilang naging hakbang. | ulat ni Lorenz Tanjoco