Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC ang distribusyon ng “non-accountable Barangay and SK election supplies at ballot boxes” para sa nalalapit na Barangay at SK Elections sa probinsiya ng Cotabato.
Kabilang sa mga munisipyo na naunang nakatanggap kahapon ng COMELEC supplies ay ang Antipas, Banisilan, M’lang, Midsayap, Pikit, Pigcawayan, President Roxas, Makilala, Libungan, Aleosan, Tulunan, Magpet, Kabacan at Matalam.
Kung matatandaan nitong nakaraang buwan, unang dumating ang 818 ballot boxes sa kapitolyo na sinundan ng 844 na mga kahon ng “non-accountable Barangay and SK election supplies” nitong buwan ng Setyembre.
Ngayong araw natanggap na rin ng tatlo pang munisipyo ang Carmen, Arakan, at Alamada ang kanilang mga supplies. | ulat ni Macel Dasalla | RP Davao
📷: Provincial Govt. of Cotabato