Comelec Zamboanga, nagbabala sa mga tatakbo sa BSK Elections kaugnay sa premature campaigning

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) Zamboanga sa mga tatakbo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 patungkol sa mga panuntunan ng naturang eleksyon partikular sa premature campaign.

Ayon kay District II Election Officer Atty. Stephen Roy Cañete, sa pagkakataong makapaghain na ng kandidatura ang mga tatakbo sa BSKE ay ikokonsidera na ang mga ito bilang kandidato at masasaklaw ang mga ito sa mga umiiral na alituntunin.

Aniya kinakailangang iwasan ng mga ito ang anumang aktibidad na maaaring makonsidera bilang premature campaigning sa labas ng nakatakdang araw ng pangangampanya.

Dagdag pa ni Cañete, dahil sa pagdagsa sa unang araw ng paghain ng Certificate of Candidacy (COC) ay nagpatupad ang tanggapan ng ‘numbering system’ para masigurong magiging maayos ang sistema sa paghain ng kandidatura.

Ayon sa Office of the Election Officers tinatayang aabot sa higit tatlong libo hanggang sa apat na libo ang maghahain ng COC sa Zamboanga para sa BSKE 2023 na nakatakda sa Oktubre 30. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us