Commitment ng National Government agencies sa “peace education”, malugod na tinanggap ng OPAPRU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang suporta ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa “peace education” sa mga barangay at paaralan.

Ito ay matapos na ihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), at Department of Education (DepEd) sa 2nd National Peace Education Summit, ang iba’t iba nilang inisyatiba na magsusulong ng “peace education” sa grassroots level hanggang sa mataas na institusyong pang-edukasyon.

Dito’y sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos, na pagkatapos ng eleksyon ay ise-seminar ang lahat ng nanalong Sangguniang Kabataan (SK) officials tungkol sa peace education para sa bawat barangay.

Sa mensahe ni CHED Chairperson Prospero E. De Vera na binasa ni CHED Commissioner Dr. Ronald L. Adama, sinabi ng kalihim na nag-isyu ang CHED ng memoranda para sa institutionalization ng peace education sa mga kolehiyo at unibersidad.

Sa statement naman ni DepEd Secretary Vice President Sara Duterte, kanyang sinabi na ang bagong lunsad na MATATAG curriculum ay nagtuturo sa mga estudyante na suportahan ang kapayapaan, tumulong sa kanilang mga pamilya at komunidad, at bigyang prayoridad ang edukasyon at bokasyon. | ulat  ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us