Naglabas ang House Legislative Information Resources and Management Department (LIRMD) katuwang ang Legal Affairs Department ng “compilation” ng mga legal na dokumento ukol sa pagsugpo ng panganib mula sa kalamidad.
Ang three-volume compilation na “Laws, Executive Issuances, Treaties, and Jurisprudence on Disaster Risk Reduction and Management” ay pinagsama-samang 185 na batas at executive issuance simula pa noong 1908.
Ayon kay Deputy Secretary General Dr. Edgardo Pangilinan ng LIRMD, ang mga aklat ay ginawa upang magsilbing komprehensibong sanggunian para sa policy makers, implementors, student researchers at advocacy groups.
Aniya, ang publication ay sumasalamin sa hangarin ni Speaker Martin Romualdez para sa mas responsive na “technology-enabled legislative support services” mula sa Kamara.
Binati naman ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang mga nasa likod ng hakbang, upang magkaroon ang bansa ng resources na mahalaga para sa disaster resilience. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes