Binigyang diin ni ABANG LINGKOD Party-list Representative Joseph Stephen Paduano ang kahalagahan na mapaglaanan ng sapat na pondo ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA.
Sa plenary deliberations ng panukalang pondo ng ahensya, tinukoy ni Paduano na mula sa orihinal na ₱2.2-billion pesos na budget proposal, ₱1.4-billion lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) na mapasama sa 2024 National Expenditure Program.
Dahil aniya sa budget cut na ito, may apat na priority project na hindi mapopondohan para sa susunod na taon –isa rito ang special project for the West Philippine Sea.
Mahalaga pa man din aniya ang programa na ito upang mabantayan ang external threats ngayon sa katubigan ng bansa.
Kaya naman hirit ni Paduano, imbes na bigyan ng confidential at intelligence fund ang mga ahensya na wala namang kinalaman ang mandato sa national security ay ilipat na lamang ang pondong ito sa NICA. | ulat ni Kathleen Jean Forbes