Confidential fund ng Office of the Vice President, ipinapanukalang ilipat na lang sa National Security Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez, na ilipat na lang sa National Security Counsil (NSC) ang panukalang confidential fund para sa Office of the Vice President (OVP).

Sa isang statement sinabi ni Alvarez, na bagamat kinikilala ang kahalagahan ng confidential funds upang tugunan ang ilang kritikal na isyung pang seguridad, mas mabuti kung ipaubaya ito sa ahensya na ang pangunahing mandato ay security.

Batay sa 2024 National Expenditure Program (NEP), may P120 million na panukalang confidential fund ang NSC habang ang OVP na isa aniyang “civilian office” ay tatanggap ng tripleng alokasyon na aabot sa P500 million.

Hindi rin naman aniya mandato ng OVP at ng Department of Education (DepEd), na wakasan ang kasalukuyan ay maliit na lamang na bilang ng komunista sa bansa.

Nakamit naman aniya ito ng mga nakaraang adminsitrasyon nang hindi pinaglalaanan ng confidential fund ang OVP at ang DepEd. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us