Isa ang contingent fund ng presidente sa maaaring paghugutan ng pondo para sa ikinakasang subsidiya para sa mga rice retailer na apektado ng Executive Order 39 o price ceiling sa bigas.
Ito ang tinuran ni Albay Rep. Edcel Lagman.
Aniya, aabot sa P13 bilyon ang contingent fund ng Pangulo na nakapaloob sa 2023 budget.
Ayon sa veteran solon, ang contingent fund ay maaaring magamit para makaresponde sa mga “unforeseen urgent and critical circumstances” sa panahon ng fiscal year.
Punto pa nito, kung nagamit noong 2022 ang naturang contingent fund para sa confidential fund ng Office of the Vice President, ay ganito rin ang maaaring gawin ngayon para sa mga maliliit na rice retailer. | ulat ni Kathleen Jean Forbes