Coral harvesting ng China sa WPS, kinondena ni Senate President Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag na ‘foul’ ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagsira ng china sa mga coral at marine resources ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag na ito ni Zubiri ay kasunod ng ulat ng pagkasira ng corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa bahagi ng WPS matapos ang swarming o magkumpulan ang mga Chinese militia vessels sa naturang bahagi ng ating teritoryo.

Mariing iginiit ni Zubiri na kung hindi rerespetuhin ng China ang arbitral ruling ay dapat respetuhin ng mga ito ang marine resources ng ating bansa.

Ito lalo na aniya’t napaka rare ng mga ito at mahirap mabuo sa mga protected areas ng Pilipinas.

Pinunto rin ng Senate leader na isa ring food security issue ang ginawa ng Chinese militia vessels dahil makakaapekto ito sa huli ng mga mangingisdang Pilipino.

Pinaliwanag ni Zubiri na ang mga bahura ang breathing grounds ng mga isda.

Kaya naman ang ginawa ng China ay katumbas na rin ng pananabotahe sa abilidad ng ating bansa na makakuha ng pagkain para sa mga Pilipino.

Kaugnay rin nito ay binahagi ni Zubiri na sa ilalim ng binubuong 2024 budget ay isusulong ng Senado ang pagdadagdag ng P600 million na ilalaan sa pagpapatayo ng mga marine radio stations sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas kasama na ang WPS na siyang magbabantay sa ating karagatan.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us