Corals sa Rozul Reef, naglaho matapos ang swarming ng Chinese military militia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines Western Command ang malawakang pagwasak at pagkuha ng mga bahura o mga corals sa Rozul Reef sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Western Command Commander Vice Admiral Albert Carlos, nagpadala sila ng mga scuba divers upang magsagawa ng under water survey ng mapaulat na may swarming ng Chinese militia vessels sa Rozul Reef.

Natuklasan ng scuba divers na nawala na ang dating makapal na corals at mga debri na lamang ang naiwan.

Sabi pa ni Vice Admiral Carlos, nakipag-ugnayan na sila sa mga scientist at mga eksperto upang magsagawa ng reef assessment sa Rozul Reef na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us