Crew ng Canadian Navy HMCS Ottawa, namahagi ng pagkain sa Subic, Zambales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng pagkain sa lokal na komunidad sa Barangay Cawag, Subic, Zambales ang mga miyembro ng crew ng  Her Majesty’s Candian Ship (HMCS) Ottawa nitong weekend.

Ang aktibidad na isinagawa sa tulong ng Philippine Navy ay bahagi ng “community engagement” ng bumibisitang delegasyon ng Royal Canadian Navy.

Ipinakita din nito ang “goodwill at kooperasyon” sa pagitan ng Philippine Navy at Royal Canadian Navy sa pagsasagawa ng sabayang aktibidad.

Sinuklian naman ng mga miyembro ng komunidad ang pagkakawanggawa ng mga Navy personnel sa pagtatanghal ng sayaw na nagpapakita ng kanilang kultura. 

Ang HMCS Ottawa sa pamumuno ni Commander Sam Patchell ng Royal Canadian Navy, ay dumating sa bansa noong Huwebes para sa limang araw na goodwill visit.  | ulat ni Leo Sarne

📸: Fleet PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us